By

Anne hiniritan agad ng 10 apo ng tatay ni Erwan

Sharing is caring!

Erwan nag-ala-macho dancer kay Anne Kung bongga ang mga kaganapan sa pre-wedding, o welcome party, at sa mismong kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, mas masarap ang mga eksena sa reception ng dalawa sa Walter Speak Station.

Kung pelikula siya, kumpleto sa sangkap o genre, ha! Mula sa pagiging rom-com (romantic comedy), comedy, drama na puro iyakan, at yes, may konting patikim na semi-nudity, at lambingan ala-honeymoon.

Sina Luis Manzano at Nicole Anderson ang nagsilbing host ng reception, dinner, at bongga nga ang mga speech ng mga friends and pamilya nina Erwan at Anne.

Anyway, mapapanood sa IG stories ni Tim Yap ang mga kuwelang eksena. Ang husay ngang mag-report ni Tim Yap na feeling mo ay kaharap mo lang siya, dahil blow by blow talaga ang chika niya.

Pero bago ang mga eksenang `yon, nag-alay muna ang lahat ng ilang minuto ng dasal para sa nalunod, namatay na kasamahan ni Anne sa It’s Showtime na si Hashtag Franco. Sa Davao nga namatay si Franco, na hanggang ngayon ay makikita mo na ipinagluluksa ni Vice Ganda, ang pinakamalapit sa mga Hashtags members.

Makikita sa IG stories ni Vice ang wasak na puso na ang background music ay ang Gone Too Soon.

Anyway, going back sa speeches ng mga kaibigan, kamag-anak nina Erwan at Anne, ang bongga nga ng sinabi ng tatay mismo ni Erwan, ha! Na ngayong kasal na nga ang dalawa, kailangan na nilang trabahuhin ang pagkakaroon ng babies.

Yes, babies, na sabi nga niya, “We need 10 more boys. So get to work!” Anyway, sa nasabing reception nga lumabas na si Isabelle Daza ang matchmaker nina Erwan at Anne. At after ng speech ni Isabelle, makikita ngang luhaan si Anne, ha!

Sayang nga at hindi na na-post ni Tim Yap ang kabuuan ng mensahe, chika ni Isabelle, pero ang narinig na lang na reaksiyon ng mga tao sa paligid ay ‘controversial’ at ‘grabe ka Belle.’

Well, marami naman ang kinilig, nakiliti, na lumabas ang harot side ni Erwan, ha! Ang bongga nga nung may pa-striptease siya, na inilabas niya ang kanyang abs, at gumiling-giling sa harap ni Anne.

Ang cute ng scene na `yon, na parang tinutukso-tukso ni Erwan si Anne, ha! Mala-macho dancer nga siya na parang sinasabi kay Anne, na ‘Come and get me….’

At may kasunod pang pag-lap dance niya kay Anne, at pagkandong na paharap sa kanyang misis. Ang wild, pero ang sweet at cute.

And again, sa finale, makikitang sing-to-death ulit si Anne, at dance to the max. pero siyempre, sa kanyang thank you speech, bumaha na naman ng luha. Na sobrang saya nga ni Anne na kahit malayo ang New Zealand, nag-effort talaga ang mga mahal niya sa buhay na makasama siya sa kasal nila ni Erwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?