181

Dec 24, 2017 @ 10:09

Anne, Erwan tumulong na sa paghahanap kay Ica

Nakiisa na rin ang showbiz couple na si Anne at Erwan Heussaff sa libong kataong tumutulong sa paghahanap sa nawawalang teenager na si Patricia “Ica” Policarpio.

Kahapon ay ni-retweet ng mag-asawa na ng panawagan na pamilya Policarpio na tulungan silang sa paghahanap sa 17 anyos na dalaga na nawala sa isang coffee shop sa Muntinlupa noong Disyembre 21.

“If anyone has seen or knows about the whereabouts of this young girl, please contact this number immediately,” ayon mensahe ni Anne sa kanyang Twitter account na nire-tweet naman ng kanyang asawang si Erwan.

Base sa report, hu­ling nakita si Patricia dakong alas-10:53 ng gabi noong Huwebes sa labas ng Coffee Pro­ject sa Lakefront sa East Service Road, Brgy. Sucat, Muntinlupa City na pag-aari ng negosyanteng si Manny Villar.

Nabatid na tumambay si Patricia sa coffee shop mula hapon hanggang gabi at lumabas ito para magpabarya dahil walang panukli sa kanyang ibinabayad.

Sa kuha ng closed-circuit television sa lugar, nakita ang dalagita na naglalakad sa labas ng coffee shop hanggang sa hindi na ito nahagip ng CCTV. Naiwan sa coffee shop ang kanyang cellphone at iba pang mga personal na gamit.

Nag-viral na sa social media ang kanyang pagkawala matapos hu­mingi ng tulong sa publiko ang kapatid niya na si Bea Policarpio.

Sa Facebook Account ng kaniyang kapatid na si Bea, sinabing ang suot ni Ica bago ito mawala ay semi-rounded glasses, asul na sweater na may stripes sa manggas, itim na pantalon, putong sapatos at light-colored na beanie.

Habang hinahanap si Ica ng mga magulang at mga awtoridad, nakikiusap na rin sila sa publiko na ipagbigay-alam kung sakaling ito ay makita o may mabalitaan ukol dito sa 09178946893.

Pamangkin si Ica ni dating Presidential Legislative Liason Office chief Jimmy Policarpio, dating miyembro ng gabinete ni Manila Mayor Erap Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?