168

Dec 28, 2017 @ 16:24
By

Anne dinedma ni Jasmine sa Gabi ng Parangal

Naging emosyonal din si Jasmine Curtis-Smith nang tanggapin nito ang best supporting actress trophy para sa role niya sa ‘Siargao’.

“I wanna thank my mom for always being supportive, my dad, of course. My boyfriend, Jeff Ortega for teaching me how to surf. For making me loved the beach even more,” ang pasasalamat ni Jasmine na hindi binanggit ang pangalan ng kapatid na si Anne na unang artista sa kanilang pamilya at nagbukas ng pinto para makapasok din siya sa showbiz.

“Thank you Lord because it’s been a tough two years for me and tho’ wala akong network, meron pa rin akong mga trabaho na natatanggap.

“Meron pa rin mga pelikula na nakukuha o nakakatrabahong mga tao so maraming salamat dahil wala naman po ‘yan sa kung anong network tayo, kung anong production house tayo. Nasa magandang material ‘yan at sa magagaling na tao at sa mga tao na hindi napapagod na ipakita ang kagalingan ng mga Pinoy sa pelikulang Tagalog,” ang dagdag na pahayag ni Jasmine. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?