12

By

Anne ‘di nagbubukas ng social media account kapag depress

Sharing is caring!

DUMAAN rin pala sa anxiety and depression si Anne Curtis.

Aniya: “I’ve had my fair share of depression and anxiety. A lot has to do with, in fact, press, and having the stress of press when I was going through something very, very tough.”

Nu’ng time na may nararamdaman na siyang kakaiba sa sarili, like na name-mental block at umiiwas sa mata ng publiko ng ilang buwan agad na raw siyang nababahala.

21 years na sa showbiz si Anne. Marami na rin siyang controversies na pinagdaanan. Nariyan ‘yung nasiraan siya ng wardrobe sa publiko, pinagdaanan sa lovelife. Malimit ma-headline dahil sa kalasingan at iba pang mga insidenteng hindi ma-take ni Anne kapag nagto-throwback sa isip niya.

Ani ng It’s Showtime host: “A lot of anxiety built up na parang feeling ko ayaw ko nang humarap sa tao. It happened really, really bad.” May time rin na hindi raw siya nag-o-open ng kanyang social media account.

“I blocked everything. I didn’t open my social media for about a month or two. As in, I blocked everything out.”
Mensahe niya sa may anxiety and depression: “I think it’s really important to not keep it to yourself. You seek help from your friends. Don’t be ashamed. You seek help from your family, from people who love you. You can even seek professional help if you feel uncomfortable talking to family members and friends about it, but the most important thing is to seek help.”

Bilang selebrasyon ni Anne for her 21 years sa showbiz may concert siya sa Araneta sa August 18, titled “Annekulit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: