402

Oct 22, 2017 @ 11:40

Anne Curtis talunan sa negosyo ni Vice Ganda

By JUN LALIN

MAMAYANG gabi na ang Ganda For All concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum. May kinalaman sa Vice Cosmetics niya ang concert na ito ng gay TV host/comedian.

Sa pagkakaalam namin, may free tickets para sa concert na ‘yon ang mga unang bumili ng mga make-up ni Vice. Actually, pagka-launch pa lang daw ng make-up brand ni Vice, ubos na kaagad ‘yon, huh!

‘Yung website nga raw ng Vice Cosmetics, nag-crash pa sa sobrang dami ng nagbu-view at umo-order. Sobrang happy nga si Vice dahil sa success ng kanyang bagong business venture.

Ang It’s Showtime co-host niya na si Anne Curtis, may sariling line rin ng make-up, pero ang tsika sa amin ng isang insider sa make-up industry, mas malakas daw ang benta nu’ng kay Vice.

Mas mura raw kasi ‘yung mga make-up na ibinebenta ni Vice kumpara sa mga make-up ni Anne.

Ang narinig pa naming kuwento, noong una raw, dapat ay mas mataas ang presyo ng mga make-up ni Vice, pero hindi raw pumayag ang gay TV host/comedian dahil ang sabi raw niya ay kailangan siya ang umabot sa kanyang fans at hindi ang mga ito ang aabot sa kanya, kaya dapat lang daw na sa mas mababang presyo ang kanyang mga make-up, na effective naman dahil ‘yung naunang batch na dumating, ubos kaagad, ‘noh?

And in fairness sa quality ng mga make-up ni Vice, maganda ‘yon. Isang kaibigan namin ang bumili ng kanyang lipstick at bongga raw at hindi ka-cheap-an ang dating.

Nakatutuwa nga pala na 4 days ago ay ni-repost ni Regine Velasquez-Alcasid ang Instagram post ni Vice kaugnay ng kanyang concert mamayang gabi. Eh, second night din ng concert ng misis ni Ogie Alcasid mamayang gabi, pero wala siyang pakialam na i-promote ang kasabay na concert, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?