371
Anne Curtis sasabak sa 2020 Tokyo Marathon
Mar 2, 2020 @ 18:24
By

Anne Curtis nanganak na!

Yes, nanay na nga si Anne Curtis!

Nitong Lunes, Marso 2 nga ay nanganak na ang dyosa ng showbiz.

Sa Australia nga siya nagsilang, at oo, isang babae ang kanilang panganay ni Erwan Heussaff.

Siyempre, masayang-masaya ang mga kaibigan, kamag-anak at mga fan ni Anne sa magandang balita. Ito naman ang matagal na nilang inaasam, ang maging ganap na ina nga si Anne.

Anyway, wala pang masyadong detalye habang isinusulat ko ang kuwentong ito. Pero noon pa man, may mga naka-line up na nga na mga pangalan sina Anne at Erwan, na ang iba ay ibinigay ng mga kaibigan nila.

Marami nga ang humula na sa buwan ng Pebrero manganganak si Anne, pero hindi nga ito nangyari. Kahit si Kris Aquino na pinanganak ng Feb. 14 ay umasam din na ang panganay nina Anne (na pinanganak naman ng Feb. 17) at Erwan ay ipanganak ng Pebrero. Pero, March 02 nga ito ipinanganak. Aba, kung may Feb. 30 o 31 lang sana ang Feb., puwede pa, di ba?

“Not February born like us? Maybe that’s a good thing!” sabi ni Kris kay Anne.

“I thought she would be Ate! But she seems to comfy for now… Maybe she wont be as crazy as us Aquarians after all!” sagot ni Anne.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?