397

Nov 27, 2017 @ 12:18
By

Anne Curtis, nainggit kay Jasmine

Pagdating sa kaseksihan hindi puwedeng magpahuli si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang ate na si Anne Curtis.

Kakaiba rin naman ang paandar at pa-havey na alindog na ito ni Jasmine sa photo posting ng kaseksihan niya sa Instagram wall niya.

Naka-side view si Jasmine suot ang isang dark colored one-piece bathing suit na kuha sa isang beach.

Mas katakam-takam ngayon si Jasmine kumpara noong mga nakaraang buwan o summer. Halatang nagkalaman ang indie film actress hindi tulad dati na para siyang buto’t balat.

Mas nagkalaman ang dibdib at nagmukha siyang nene na ngayon pa lang namumulaklak ang alindog.

Kung sinasabing ‘tambok queen’ si Anne noong kadalagahan at bata-bata pa siya. Aba, hindi naman nalalayo ang kanyang younger sister na puwedeng bansagang ‘tambok princess’.

Kahit naliliman ng kanyang braso ang harapan ni Jasmine hindi pa rin maitatagong malaman ang kanyang bulaklak, bagay na malinamnam na tanawin sa mga humahanga sa ganda ng aktres.

Dahil sa kaseksihang ito, hindi naitago ni Mariel Padilla ang kanyang paghanga kay Jasmine.

@marieptpadilla, “You are the new LODI!”

Habang nainggit naman ang ate nitong si Anne sa posing nito sa IG.

@annecurtissmith, “Inggit me!”

Anyways, ang nasabing larawan ay para mai-promote sa social media ang MMFF movie entry nila nina Erich Gonzales at Jericho Rosales, sa direksyon ni Paul Soriano.

@jascurtissmith, “Dreaming of Sundays in Siargao, @siargaothemovie out in theaters Dec. 25 #MMFF2017 #Ten17P #JCSFilm @rocket.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?