126
TNT-ABANTE-TONITE-anne-curtis
By

Anne Curtis nagulantang nang maisuot ang jacket ni K-Pop artist G-Dragon

Sharing is caring!

Shocked si Anne Curtis nang malaman na ang kanyang suot na jacket ay mula sa hinahangaan niyang K-Pop artist na si G-Dragon.

Alam naman ng lahat na si Anne ay very vocal sa pagsasabing hangang-hanga siya sa mga Koreanong artist.

Sino ba si G-Dragon. Siya si Kwon Ji Yong a.k.a. G-Dragon. Isang rapper-singer, songwriter, dancer, producer, model-endorser at fashion icon.

Sa Hypebest segment ng It’s Showtime, isa si Anne sa judge para sa semifinals.

Bago siya nagbigay ng kanyang score sa mga mga aspiring hip-hop artist ay pinasalamatan muna niya si Vice Ganda sa suot niyang jacket.

Nanghiram siya ng jacket kay Vice dahil hindi siya nakapag-prepare ng kanyang outfit for the segment.

Nang napasalamatan na ni Anne si Vice, sinabi ng huli na, “I-thank you natin si Sandara (Park) kasi regalo niya sa akin iyan,” Dagdag pa ni Vice, “Galing kay G-Dragon iyan.”

Namangha si Anne at nagkandautal sa pagsasabing, “ahhh…G-Dragon… G-Dragon?” Nagpa-thank you rin si Anne kay Sandara at sa K-Pop artist.

Si G-Dragon ay romantically linked kay Sandara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?