75

Jun 22, 2021 @ 21:28
By

Anne Curtis nagpaturok sa Makati

Nanawagan si Anne Curtis sa mga Pilipino na magpabakuna na laban sa COVID-19 matapos siyang magpaturok ng unang dose ngayong Martes.

Sa Facebook page ng My Makati, ibinahagi ang video ng panawagan ng aktres at pagbakuna sa kanya sa Palanan Elementary School.

“Isa si Anne Curtis sa nagpabakuna kontra COVID-19 sa Palanan Elementary School ngayong araw,” saad sa FB post.

“Hinihikayat niya ang mga #ProudMakatizen na magpabakuna bilang proteksyon at para maiwasan pa ang pagkalat ng COVID-19. Huwag nang mag-atubili! Register na!” dagdag nito.


Kabilang ang entertainment industry sa A4 category ng bakunahan laban sa COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?