535

Oct 25, 2017 @ 13:15

Anne Curtis naghahanda sa pagkalaos? Tipid-tipiran na

HINDI nagpatalo si Anne Curtis sa promotion ng kanyang lipstick brand laban sa promo ng lipstick brand ng kaibigan at co-host niya sa noontime show na It’s Showtime na si Vice Ganda.

Kahit saan magpunta si Anne, local man o abroad, lagi niyang ipino-post ang kanyang lipstick (BLK). Katunayan, nu’ng nasa Japan siya, todo-promote siya ng lipstick niya, at ganu’n din nu’ng nag-Korea siya. At kahit nu’ng nasa Australia siya na kasama ang kanyang future husband na si Erwan Heussaff, todo-post pa rin si Anne ng brand niya.

At ngayong nasa Amerika ang aktres, aba kahit saang anggulo at lugar na pinupuntahan niya ay pino-pose niya ang kanyang lipstick brand.

Kung si Vice Ganda ay all-out ang promotion ng kanyang lipstick brand at balita ko ay gumastos siya nang mahigit P1M, si Anne naman ay tila nagtitipid sa pagbebenta ng kanyang sariling cosmetic line.

Naubos na nga ang mga lipstick shades ni Vice sa kakabigay sa mga kaibigan sa showbiz para lang masubukan ito, samantalang si Anne ay parang wala kaming nakita na ibang mga celebrity friends niya na nagpapasalamat dahil binigyan sila ng sample o complimentary lipstick ng aktres.

Well, hindi naman kataka-takang magtipid si Anne ngayon dahil ikakasal na nga siya. At siyempre ay nag-aalala rin naman ang aktres na baka hindi na maging katulad ng dati na super mainit ang kanyang career kapag nagkaasawa na siya, lalo na kapag nagka-baby na.

Ganiyan nga ang madalas na nagiging problema ng mga artistang babae natin, na after mag-asawa at magkaanak, lumalaylay na ang mga career. (REY PUMALOY)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?