231

Oct 24, 2017 @ 14:21

Anne Curtis, mega promote sa lipstick brand

Hindi patatalo si Anne Curtis sa promotion ng kanyang lipstick brand laban sa promo ng lipstick brand ng kaibigan at co-host sa noontime show na “It’s Showtime” na si Vice Ganda.

Kahit saan magpunta si Anne, local man o abroad, hindi niya nakakalimutang i-post ang kanyang lipstick na may brand name na “BLK”.

Pinost niya ito noong nasa Universal Studios, Japan siya. Pinost din niya ang isang shade ng kanyang lipstick noong nasa Korea at Australia siya kasama ang fiancé niyang si Erwan Heussaff.

At kahit nasa loob ng sasakyan, ipinapakita ni Anne sa Instagram ang kanyang mga lipstick.

Ngayong nasa Amerika ang aktres, kahit anong anggulo pino-post niya ang kanyang lipstick brand.

Kung si Vice Ganda ay all-out sa promotion ng kanyang lipstick brand at halos gumastos siya ng mahigit isang milyon, ang kay Anne naman ay tila nagtitipid sa pagbebenta ng kanyang sariling cosmetic line.

Naubos na nga halos ang mga lipstick shades ni Vice sa kakabigay sa mga kaibigan sa showbiz para lang masubukan ito, si Anne ay parang wala kaming nakita sa ibang mga celebrity friends nito na nagpapasalamat dahil binigyan sila ng sample o complimentary lipstick ng aktres.

Well, hindi naman kataka-takang magtipid si Anne dahil malaki rin naman ang gagastusin nila ni Erwan sa kanilang kasal. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?