165
anne-curtis-smith
By

Anne Curtis maraming nabudol – Vice Ganda

Inokray ni Vice Ganda si Anne Curtis hinggil sa pagkanta nito, sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime”.

Tinanong ni Vice ang isang contestant kung nainlab na ba ito.

Sinagot ito ng contestant na hindi pa. Sinabihan naman siya ni Vice na huwag magmadali sabay kanta ng “Let’s Wait Awhile” na sinabayan din ni Anne.

Inasar nito si Anne sa pagsabay nito sa kanya.

“Mayroon tayong isang kaibigan na tayo yung makakaisip ng kanta, sisimulan natin tapos bababuyin niya yung favorite nating part. Wala kang magawa kundi mainis na lang,” sabi ni Vice.

“Ganun talaga alam ko lahat ng gusto mong kanta e. E gusto ko din yun,” salag naman ni Anne.

Pinakanta ni Vice si Anne ng “So Slow”.

Nagpalakpakan naman ang audience.

“Tama na. Yang mga palakpak niyo nagpapalakas ng loob niya at naniniwala tuloy siyang ang galing-galing na niya. Kakapalakpak niyo naniwala, nag-concert pa tuloy. Ang daming nabudol nun ah. Dalawang oras tas nakikinig ka ng ganun,” sabi ni Vice sa audience.

“Hoy gumanda na yung boses ko,” sabi ni Anne.

“Yung simula ang saya pero bandang gitna nakita ko ang dami nang nagni-nailcutter. Umuwi kami yung Araneta punong-puno na ng kuko,” pang-aasar ni Vice kay Anne.

Tinutukoy ni Vice ay ang concert ni Anne na, “Anne Kulit” na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Aug. 18, 2018.

Ito ay bilang selebrasyon sa 21 years ni Anne sa showbiz industry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?