163

Oct 16, 2020 @ 19:14
By

Anne Curtis: Mahirap bang magbigay ng malasakit sa nagluluksang ina?

Nadismaya ang aktres na si Anne Curtis sa mga larawan ng political detainee na si Reina Mae Nasino matapos nitong ihatid sa huling hantungan ang 3-month old niyang anak habang napapalibutan ng mga pulis.

Nanghihingi ng malasakit ang aktres para sa ina, na maikling panahon lang na nakapiling ang anak matapos na bawasan ng Manila City Jail ang furlough na binigay kay Nasino.

“Was it really too much to ask to have compassion for a grieving mother?” ayon kay Anne.

Si Nasino ay binantayan ng abot sa 43 jail officer ayon sa Bureau of Jail Management and Penology sa huling sandali ng ina kapiling ang kanyang sanggol.

Nakasuot din ng kumpletong personal protective equipment si Nasino, at hindi rin tinanggal ang pagkakaposas dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?