14,591

Dec 5, 2017 @ 12:34
By

Anne Curtis, kung kelan nag-asawa saka naghubad sa socmed

Kung kailan nagpakasal at nagka-asawa si Anne Curtis saka naman siya naghubad sa social media.

Wala kaming natatandaang naglakas-loob si Anne na mag-post ng halos hubo’t-hubad siya sa Instagram para lang magpasabog o ipangalandakan ang kanyang kaseksihan.

Kaya naman naloka kami at ang kanyang followings sa IG nang magpaskil ito sa kanyang wall nang photo na ang nakatakip lang sa kanya ay ang kanyang wedding gown.

Nakahiga sa sofa si Anne nang hubo’t-hubad at ang wedding gown lang nito ang itinakip niya sa kanyang boobs at sa kanyang bulaklak habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa flower bridal bouquet.

Posibleng may suot na underwear si Anne sa photo na ito dahil hindi naman kita ang giliid ng kanyang balakang at ang hita lang niya ang nalitaw sa pagkakataas niya nang mga ito.

Pero imposibleng naka-bra lang ang aktres dahil sa boobs lang niya nakatakip ang pangitaas ng gown.

Well, ang nasabing photo shot ay para sa ad campaign ng Belo Medical kung saan isa si Anne sa mga celebrity endorsers ng beauty clinic ni Dr. Vicky Belo.

Kung ang intensyon ay makapukaw nang pansin ng socmed o ng netizen, waging-wagi ang Belo Medical sa photo shot na ito ni Anne.

Tagumpay naman si Anne sa muli niyang pagpapasabog ng alindog na matagal rin namang hindi nasilayan sa kanya ng mga fans niya.

Sa sexy-films lang naman nagpapa-sexy si Anne pero mild lang naman pagdating sa social media.

Hindi na dapat pagtakhan kung bakit agad-agad inalukan nang kasal ni Erwan Heussaff si Anne para maangkin na nito nang buung-buo at hindi na maagaw pa nang iba ang kariktan at alindog ng aktres. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?