401

Nov 4, 2017 @ 15:18

Anne Curtis at Erwan Heussaff, umaapaw sa sweetness!

Pang-poster ng pelikula ang mga sweet moments nina Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaff na animo’y may lalabas na movie project ang dalawa.

Masisilip sa mga post ni Anne sa Instagram ang mga larawan nilang dalawa ni Erwan na captured na captured ang pag-iibigan nilang dalawa, umaapaw sa sweetness ‘ika nga.

Isa na rito ang buhat-buhat ni Erwan si Anne habang nakayakap siya sa kasintahan. Naka-background sa kanila ang yellow color landscape ng lugar na may nakahilera pang mga puno na kulay yellow rin ang mga bulaklak.

Posibleng kuha ang larawan sa Korea dahil nakasulat sa location ng IG wall ng aktres ang Nami Island at Korean subtitles.

@annecurtissmith, “Gloomy morning got me thinking about summer days. Take me back..”

Sa ganda ng photo shot na ito, kahit sina Karen Davila at Maxene Magalona ay napa-comment ng red icon sa IG account ni Anne.

Isa pang super sweet photo ng dalawa ay karga-karga sa likod ni Erwan si Anne na super saya sa moment na ito na kuha sa parehong lugar.

@annecurtismith, “Mon amour.”

Yung isa naman ay magkatalikod sila habang napapaligiran ng mga halaman na parang cotton candy.

@annecurtismith, “To be lost in the forest, to cut adrift.” Nakasulat sa location ng IG ng aktres ang Haneul Park.

Isang taon na ang nakalipas matapos ang engagement proposal ni Erwan kay Anne. Pinost ng “It’s Showtime” host ang reaction photo niya habang naka-taas ang daliri niya para ipakita ang engagement ring.

Posibleng ang mga kuhang ito ni Anne ay pre-nup nilang dalawa ni Erwan para sa kanilang wedding. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?