Anne Curtis, Erwan Heussaff kasal na!

Sharing is caring!

Ikinasal na ang aktress na si Anne Curtis sa internet sensation na si Erwan Heussaff kanina umaga sa Southland, New Zealand.

Nangyari ang kasal isang araw matapos ang grandiyosong welcome party noong Sabado.

Ang kasal ay sinaksihan ng pamilya ng ina Anne at Erwan, kabilang ang kapatid ng aktress na si Jasmine na siyang maid of honor, at nandoon din ang kapatid ni Erwan na si Solenn.

Nakipagpalitan ng ‘I do’ si Anne sa kanyang Monique Lhullier wedding dress at killer black boots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?