280

By

Anne Curtis 10 million na ang followers sa IG

Kasabay ng kanyang post ng Halloween look para sa ‘It’s Showtime’ inanunsyo ni Anne Curtis na umabot na sa 10 million ang kanyang followers sa Instagram.

Sa kanyang caption binate ni Anne ang kanyang mga follower ng, “Happy Halloween and happy 10 million Instagram family!”

Hindi naman ito ang unang record-breaking ni Anne sa social media, dahil kung matatandaan, naka-isang milyong like ang kanyang photo mula sa kasal nila ng asawang si Erwan Heussaff sa New Zealand noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?