186

Sep 29, 2017 @ 21:22

Anne at Erwan, pakakasal na this week? 

Lumayas ng Pilipinas si Anne Curtis kahapon kasama ang sister niyang si Jasmine Curtis-Smith. Nasa Terminal 2 sila ng Philippine Airlines sa photo na pinost niya kahapon sa Instagram niya.

Ang tanging caption ni Anne ay, “Special flight with my maid of honor @jascurtissmith.”

Komento ng isang follower niya, @krzlcprs, “Ikakasal ka na ata.”

“Bakit pa-secret!!!! Nakaka-excite naman” – @gabrielledasig.

“Bachelorette party???” — @graciousrose.

Walang tugon si Anne sa mga tanong ng followers niya kung saan ang destinasyon nilang magkapatid. Super secret nga naman ang lahat ng detalye sa kasal nila ni Erwan Heussaff.

Maging ang future sis-in-law niyang si Solenn eh, tikom din ang bibig wedding ng kapatid.

Pero sa nakuha naming info sa isang source, sa Los Angeles ang destinasyon nina Anne at Jasmine para sa fitting ng kanyang isusuot na wedding gown. Dagdag pa ng aming source, sa November maganap ang kasalang Erwan-Anne, huh!

Pero, may mga nagdududa rin, na baka nga this week na ang kasal, dahil parang lahat ng mga friends nina Anne at Erwan, nagpupunta ng airport, ha! May mga IG stories din si Erwan na papunta siya ng airport, at may icon ng eroplano.

Si Solenn, ang drama naman niya ay pupunta siya sa Paris na mag-isa. Si Isabelle Daza, may IG stories siya na video ni Anne na nagsasakay ng mga maleta, bahage sa sasakyan.

Naku, wait na nga lang tayo ng mga kaganapan sa IG nina Anne at Erwan, dahil lalabas at lalabas din naman ang katotohanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?