125

Sep 9, 2021 @ 16:20
By

Annabelle inilaban si Jinkee

Havey sa mga netizen ang mga patama ni Annabelle Rama sa mga inggit kay Jinkee Pacquiao.

Matatandaang naging headline ang inirampang OOTD ni Jinkee sa laban ni Pacquiao kay Yordenis Ugas dahil umabot diumano ito sa mahigit P2 milyon.

May ilang hindi natuwa at nagsabing wala raw kahihiyan si Jinkee dahil sa gitna ng paghihirap ng mga Pilipino sa pandemya ay nagagawa pa nitong ipagmalaki ang mga gamit.

Sa kanyang Instagram, naghayag ng kanyang damdamin tungkol sa isyu si Annabelle.

Nagpatama ito sa isang reporter na aniya’y walang tigil kakasulat ng negative things about Jinkee. Aniya ayaw daw nitong tumigil dahil wala pang “natatanggap” mula sa misis ng pambansang kamao.

“Ayaw mong tumigil kasi wala ka pang natatanggap na datung and bag from Jinky. Ang style mo ay hit and collect. Ginawa mo rin ‘yan sa isang celebrity. Inaaraw araw mo rin tinitira sa column mo. Puro paninira, below the belt.

“Nong binigyan ka ng Chanel bag na may laman na 100,000 bigla mong pinuri at gini-guest mo pa sa radio program mo,” ani Annabelle.

Giniit din niya na ang pera naman na pinambili sa mga gamit ni Jinkee ay hindi galing sa nakaw.

“Wag ka ng mamatay sa inggit sa mga gamit ni Jinky P. Ang pera na pinamili niya ng mga branded na gamit ay hindi galing sa nakaw.

“Galing sa asawa niya na pinaghirapan. Anong gusto mong ipasuot sa kanya? Duster na may dalang bayong at naka tsinelas? Asawa siya ng isang sikat na boxing champ and boxing legend, senator pa,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?