165

Dec 19, 2017 @ 12:33

Anna Kournikova nanganak ng kambal, si Enrique Iglesias ang ama

Nanganak umano ng kambal si tennis superstar Anna Kournikova at ang ama ay si pop star Enrique Iglesias.

Sinabi ng sources sa TMZ na nanganak si Kournikova ng isang lalaki at isang babae noong Sabado, Disyembre 16 sa Miami, Florida at pinangalanan umano itong Nicholas at Lucy ngunit hindi pa ito kumpirmado.

Magkarelasyon na umano noon pang 2001 sina Iglesias at Kournikova.

Sa kabila nito’y nananatiling pribado ang buhay ng dalawa at hindi kinukumpirma kung ano ang namamagitan sa kanila.

Maging ang ama ni Iglesias ay hindi pa umano nakikilala ang girlfriend nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?