26

Jul 20, 2021 @ 16:45
By

Ankle injury waepek kay Irish Magno

Hindi umano malubha ang tinamong ankle injury ni Pinay Olympic boxer Irish Magno na kanyang natamo noong Lunes, ayon kay Team Philippines Chef de Mission Mariano Araneta.

Ayon kay Araneta, napilayan si Magno sa gitna ng jumping rope exercise ngunit agad naman daw itong nalapatan ng lunas ng kanyang trainer na si Nolito Velasco.

“I immediately put some ice on it and when doc Randy (Molo) took a look at it, she was okay,” wika ni Velasco.

Ang 29-anyos na si Magno ay sasabak sa women’s flyweight class.

Isa lamang siya sa apat na Pinoy boxer na nakapasok sa Olympics. Kasama niya sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?