47

Oct 4, 2021 @ 18:34
By

Anjo Yllana tatakbong CamSur cong

Naghain ng certificate of candidacy sa Comelec nitong Lunes si dating “Eat Bulaga” host Anjo Yllana.

Tatakbo siyang congressman ng 4th District ng Camarines Sur.

Makakalaban niya si reelectionist Cong. Arnie Fuentebella.

Unang pumalaot sa politika si Anjo taong 1998 kung saan naging konsehal siya sa Parañaque City hanggang 2004.

Matapos ay nanalo siya sa pagka-bise alkalde ng parehong siyudad mula 2004 hanggang 2007.

Taong 2013 hanggang 2019 naman ay naging konsehal siya ng 5th district ng Quezon City.

Sa Facebook account, ibinahagi ni Gelo Abugao ng Radyo Bicolandia ang mga larawan kasama si Anjo nang magtungo ito sa Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?