1,408

Jan 3, 2022 @ 22:45
By

Anjo idedemanda utol na si Jomari

Pinangalanan na ni Anjo Yllana ang diumano’y nagnakaw ng campaign funds niya kaya umatras siya sa pagtakbong kongresista ng Camarines Sur.

Sa burado nang Facebook post, sinabi niyang kakasuhan niya ang nakababatang kapatid na si Jomari at dyowang si Abby Viduya.

“I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds,” bahagi ng post ni Anjo.

“Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me, the way the girl left her husband. I am sure cases from both the mother of their kids and the husband will also be filed,” dagdag niya.

Habang sinusulat ito ay wala pang pahayag sina Jomari at Abby tungkol sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?