57

Jun 5, 2020 @ 14:42
By

Anime character lumalaklak ng San Miguel beer!

Kahit sa Japan, umaabot na ang kasikatan ng Pinoy local brewery product na San Miguel Pale Pilsen.

Sa Reddit, muling naungkat ang isang eksena sa Ghost in the Shell, isang cyberpunk manga na ginawan ng anime film at series adaptation buhat pa noong 1995.

Natuwa ang ilang Pinoy netizen sa paglaklak ng isang character sa nasabing anime na si Batou ng isang lata ng San Miguel beer.

Ang Ghost in the Shell ay hindi lamang sikat sa Japan, umabot na rin ito sa Hollywood noong 2017 kung saan ginawan ng live adaptation na pinagbidahan ni Scarlett Johansson.

Bukod pa dito, ngayong 2020 ay pinalabas din ng Netflix ang CGI series ng nasabing manga na pinamagatang ‘Ghost in the Shell: SAC_2045.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?