14

Nov 4, 2021 @ 22:03
By

Animam, Radnicki luhod vs Vojvodina

Bitin ang nine-point, 13-rebound game ni Jack Danielle Animam upang madikdik ang Radnicki Kragujevac laban sa Vojvodina, 48-65, sa 16th First Women’s Basketball League of Serbia 2021-22 eliminations Huwebes ng madaling araw (Manila time).

Wala ring saysay ang 11-marker ni Marija Stojanovic para sa Radnicki na sumalampak sa 3-3 win-loss record.

Kontrolado ng Vojvodina ang opening quarter, pero nanatiling palaban ang kampo ng Pinay import mula sa Bulacan na dumikit sa 26-31 sa first half.

Pero muling nag-init ang opensa ng Vojvodina upang lumayo, 36-52, at tuluyang mangibabaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?