52

Dec 11, 2019 @ 20:47
By

Animam parang nananaginip lang

Kapag hiningan ng interview dati si Jack Animam, lagi siyang handang sumagot.

Mahaba, madaldal pa nga madalas.

Pero pagkatapos ang makasaysayang first gold medal win sa Southeast Asian Games women’s basketball, nangapa siya ng sasabihin.

Maluha-luha na nga ang dating star player ng NU sa postgame pagkatapos ng 91-71 win sa Thailand.

“Bago ‘yung game, super excited kami. Kasi eto na ‘yung game na magde-determine kung maggo-gold ba kami o hindi,” ani Animam, tumapos ng 21 points – 8 dito nang kumalas ang Pilipinas sa third.

“For the last two seasons ng SEA Games, lagi kaming one-win away from getting that gold. Now, we won’t let that happen, and we finished the job.”

Tuloy pa rin ang salita ni Jack, pero gumagaralgal na ang boses.

“Sobrang sarap lang sa feeling, sobrang surreal pala,” aniya, pigil ang emosyon. “I dreamt of this, but eto na siya sa harapan ko pero parang nananiginip pa rin ako. Ang sarap sa pakiramdam.”

Back-to-back si Animam, kasama niya sina Afril Bernardino, Janine Pontejos at Clare Castro na sumikwat din ng gold sa 3×3.

“Dalawang gold ako ngayon,” bulalas niya, nagawa nang tumawa.

Wala ring masabi si Bernardino dahil naunahan ng emosyon.

“Naging part ako ng SEA Games since 2015, two seasons siya, sobrang heartbreaking,” bulalas ni Bernardino, tumapos ng 10 points, 14 rebounds at 5 assists. “Ngayon eto na ‘yung time namin, we grabbed it na talaga.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?