25

Oct 21, 2021 @ 21:56
By

Animam mala-artista na sa Serbian league

Patuloy na nagpapakilala si Jack Danielle Animan sa 16th First Women’s Basketball League of Serbia 2021-22 elimination round.

Matapos ang stint sa Taiwan kung saan hinatid niya ang Shih Hsin University sa trono ng University Basketball Association ngayong taon, sa Europe naman siya nagpapakita ng husay.

Double-double ang stats ni Animam sa first three games sa ZKK Radnicki Kragujevac sa FWBLS.

Naka-25 points at 19 rebounds noong Sabado (Linggo sa Manila) nang matalo lang ang team niya sa ZKK Kraljevo, 63-86; nagbaon ng 29 markers at 12 rebounds sa 66-104 loss ng squad niya sa defending four-time champion Crvena Zvezda noong Oct. 9 ; at naka-20 pts. at 14 rebs. nang balikatin ang hukbo niya sa 78-77 come-from-behind win kontra Preleter 023 noong Oct. 2.

Sa husay ni Animam, kilala na rin siya sa Serbia. Mala-artista na rin ang dating.

Sa tuwa ng 22-year-old, 6-foot-5 Pinay center mula sa Bulacan, hindi niya napigilan na ibahagi sa kaniyang instagram story Huwebes ang kilig at saya dahil may nagpakuha ng larawan sa kanya.

“Okay, so, nakakatawa. Naglalakad ako tapos nakakagulat may kumaway sa akin, akala ko kung sino tapos magpapa-picture pala. Yes naman girl, artista ka?” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?