18

Jul 13, 2020 @ 16:26
By

Angkas shield aprubado na

Mukhang napapalapit na ang pagbabalik ng ride-hailing firm na Angkas.

Ito’y matapos na aprubahan ng National Task Force on COVID-19 efforts ang shield na gagamitin ng Angkas bilang dagdag protective equipment sa backdriding.

Sa tweet ng Angkas, nagbunyi ang kompanya sa pag-apruba sa kanilang shield, na posibleng senyales ng kanilang pagbabalik-serbisyo.

Natigil ang operasyon ng Angkas noong Marso matapos magpatupad ng community quarantine sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, noong nakaraang linggo ay pinayagan na ang backriding sa bansa, ngunit para lamang sa mga mag-asawa, couple o magkakasama sa bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?