43

Jun 22, 2020 @ 17:44
By

Angkas posibleng ‘di pa makabiyahe – Roque

Pinag-aaralan na ng IATF ang pagpayag sa back-riding para sa mga pribadong motorsiklo.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kasama rito ang mga ride-hailing service gaya ng Angkas dahil walang prangkisa at kinakailangan munang kumuha ng mga ito sa Kongreso.

“Angkas may not be allowed to operate due to lack of franchise,” ani Roque.

Dagdag niya, sinabi ni House Committee on Transportation chairman Rep. Edgar Sarmiento na isasangguni niya sa DOTr kung puwedeng provisional muna ang pagpayag na ibalik sa operasyon ang ride-hailing service habang nakabinbin sa Kongreso ang prangkisa.

Natapos na noong Abril ang pilot study para sa motorcycle taxi kung naaangkop maging public transport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?