117
Angkas pina-power trip ng LTFRB - Villanueva
Dec 22, 2019 @ 17:23
By

Angkas pina-power trip ng LTFRB – Villanueva

Mistulang nagpa-power trip lang umano ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil bagama’t pinalawig nito operasyon ng motorcycle-hailing app Angkas, babawasan naman ito ng 17,000 bikers, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Sa desisyong ito ng LTFRB, sinabi ng senador na tila pinaparusahan nila ang mga commuter at rider lalo na’t kulang na kulang sa ngayon ang alternatibong public transportation sa bansa.

“Bakit tila patuloy natin pinaparusahan ang mga commuter at rider na ang tanging hangad ay magbigay ng alternatibong paraan ng transportasyon?” tanong ni Villanueva.

“Bawasan ang bilang ng ride-hailing transportation services kapag nakapagbibigay na tayo ng mas maayos na antas ng public transportation sa ating bayan. Tila power tripping ang nagaganap sa pasya na magbawas ng rider,” pagbibigay-diin pa ng senador.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, ang kawalang ng trabaho ng 17,000 ang pinakamasamang regalo sa kanila ng gobyerno ngayong Kapaskuhan.

“Unemployment is the saddest Christmas gift gov’t can give’. Christmas is the season of giving, not of taking away; of spreading cheer, and not sowing unhappiness,” sabi ni Recto sa isang statement.

“But for 17,000 Angkas drivers and their families, they got the saddest and meanest Christmas gift ever: their livelihood being taken away,” dagdag pa nito.

“The gift of unemployment is the most heartless of all, the worst Christmas bonus, one that even Scrooge will not even dare think of,” saad pa ni Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?