71

Jan 15, 2020 @ 18:35
By

Angkas petition, binasura ng Mandaluyong court

Binasura ng Mandaluyong Regional Trial Court ang petisyon ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas para sa panibagong temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng revised motorcycle taxi guidelines.

Base sa court order na may petsang January 10, binasura na ni RTC Branch 212 Judge Rizalina Capco-Umali ang petisyon na inihain ng motorcycle ride-hailing firm laban sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahilan sa kakulangan ng merito.

Ginawa ang desisyon para idismis ang petition na sinasabing “avoid issuing writ which would effectively dispose of the main case without trial and/or due process” at “prejudged the main case and reversed the rule on the burden of proof.”

Sinabi ng korte na ang DOTr at LTFRB ay pabor sa presumption of regularity sa performance ng official duties na kung saan hindi umano nagawa ng Angkas.

“The presumption of regularity of official acts may be rebutted by affirmative evidence or irregularity or failure to perform a duty. The presumption, however, prevails until it is overcome by no less than clear and convincing evidence to the contrary,” base sa order.

Base sa report, ang Revised General Guidelines ng Technical Working Group, nakalagay sa kanilang Pilot Implementation of Motorcycles na limitado lamang sa 30,000 sa Metro Manila at 9,000 naman Metro Cebu na hahatiin para sa tatlong kuwalipikadong TNC na Angkas, JoyRide at Move It.

Ang bagong limit ang nagpabawas sa accredited riders ng Angkas mula 27,000 pababa ng 10,000 na kung saan ay hindi tinanggap ng kumpanya ang petition kontra sa revised guidelines na nakuha noong January 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?