52
hit-and-run
By

Angkas ng motorsiklo, patay sa hit and run sa QC

Sharing is caring!

Isa ang patay habang isa ang sugatan matapos na mabiktima ng hit and run sa Quezon City, Martes ng gabi.

Sa kuwento ng mga naka-saksi binabaybay ng dalawang biktima na sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng Tomas Morato papunta sa E. Rodriguez nang banggain ito sa likod ng isang sasakyan.

Dead-on-the-spot ang walang helmet na angkas ng motorsiklo na nakilalang si Jubert Abines (29), residente ng Marikina matapos na tumilapon sa kalsada habang itinakbo sa ospital ang kasama nitong driver na si Roland Andres (32), residente ng Bagong Silang, Caloocan.

Hindi natukoy ang sasakyan na nakabangga sa motorskilo na tumakas matapos ang insidente.

Inaalam na ngayon ng Quezon City Police District kung may CCTV sa lugar na posibleng naka-saksi sa pangyayari at nakakita sa plate number ng nakabanggang sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?