9

Aug 7, 2020 @ 15:29
By

Angkas may libreng sakay sa mga health worker

1,000 motorcycle rider ng Angkas ang nakatalaga para sa libreng hatid-sundo ng mga medical frontliner sa Metro Manila, habang suspendido pa ang mass transport dahil sa modified lockdown.

Sa ilalim ng Free Motorcycle Ride project for Medical Frontliners program ng nabanggit na ride-hailing service, itatalaga ang 1,000 Angkas rider sa Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital, at Ospital ng Sampaloc sa Manila; East Avenue Medical Center sa Quezon City; at Tala Hospital sa Caloocan City.

Ayon naman sa kasunduan sa pagitan ng Angkas at ng Joint Task Force COVID Shield, may ilang Angkas rider na iistambay sa National Kidney Institute, Quezon City General Hospital, Lung Center of the Philippines, at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City; at sa Ospital ng Maynila at Fabella Hospital sa Manila.

Kailangan lang ipresenta ng health worker ang kanilang identification card para makinabang sa libreng sakay.

Bukod dito, nag-turn over din ang Angkas ng 1,000 protective barrier sa task force.

Ayon kay task force chief Guillermo Eleazar, uunahing bigyan ng barrier ang mga kwalipikadong motorcycle rider na laging hinahatid ang kanilang partner, kamag-anak o kaibigan na nagtatrabaho bilang medical frontliner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?