302

Dec 10, 2019 @ 17:26
By

Angkas may kalaban na

Magkakaroon na ng kakompetensiya ang motorcycle-hailing service na Angkas.

Binabalak ng technical working group (TWG), na responsable sa motorcycle taxis, na magsama ng mga bagong player sa proposed six-month extension ng kanilang Motorcycle Taxi Pilot Implementation (MTPI).

Batay sa extension ng MTPI, papayagan ang partisipasyon ng mga bagong player para lalo pang mapag-aralan kung itutuloy ang legalization ng motorcycle taxis bilang ligtas na public transportation, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Orihinal na magtatapos ang MTPI sa Disyembre 26.

Nagsumite na ang TWG ng rekomendasyon at ang desisyon sa proposed extension ay nakatakda nang ilabas sa lalong madaling panahon.

Nobyembre 20 natanggap ng Department of Transportation ang proposals mula sa anim na bagong motorcycle taxi provider na Citimuber, JoyRide, MoveIt, EsetGo, Sakay at VroomGo para makiisa sa pilot study.

Hunyo 2019 nang inaprubahan ng Senado at Kongreso ang six-month pilot run ng motorcycle taxi para mapag-aralan kung itutuloy ang legalisasyon nito at kung ligtas bang maging pampublikong sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?