14

Oct 23, 2020 @ 11:51
By

Angkas, JoyRide, Move It pwede na uli – Duterte spox

Ayon sa Palasyo, maaari nang magbalik-operasyon ang mga motorcycle taxi sa bansa.

Pinahintulutan na kasi ng Kamara ang pilot study program para sa mga motorcycle taxi, ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Pinayagan na rin ang mga pagpapatupad ng motorcycle taxi pilot study pagkatapos payagan ng Kamara de Representante na i-extend ang motorcycle taxi pilot study program. So, mabuting balita po ‘yan kasi pupwede naman tayong mag-Angkas o mag-JoyRide,” sabi ni Roque sa Laging Handa public briefing, Oktubre 23.

“Merong pong guidelines na i-issue ang LTFRB. Pero ang maganda po rito is wala na pong hadlang. Antayin lang natin ng sandali ang guidelines,” dagdag niya.

Ang mga ride-hailing platform na lumahok sa pilot study ay Angkas, JoyRide, at Move It. Nagtapos ang study noong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?