By

Angkas, humirit na maging TNVS din tulad ng Uber at Grab

Sharing is caring!

Umapela sa gobyerno ang isinara na kompanyang Angkas, na may ‘motorcycle-taxi’ operation, na gawin silang ligal sa pamamagitan ng pagklasipika sa kanila bilang transport network vehicle service (TNVS) tulad ng Grab at Uber.

Sa inilabas na pahayag ng Angkas, iginiit nito na malaki ang tulong nila sa publiko at magiging mas ligtas ang kanilang operasyon kung sasailalim sila sa regulasyon ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ng LTFRB.

Pinuntahan ng LTFRB, sa pangunguna ni Board Member Aileen Lizada, ang opisina ng Angkas sa Makati City at isinara nang makumpirma na wala itong mga dokumento para sa kanilang ‘app-based motorcycle-hailing service’.

Giit pa ng kompanya, magpapatuloy pa rin ang operasyon ng ‘habal habal system’ at patuloy ang pagtangkilik sa kanila sa kabila ng kawalan ng safety processes, training standards at insurance coverage.

Base sa app ng Angkas, naniningil sila ng P50 na minimum fare para sa dalawang kilometrong biyahe at karagdagang P10 para sa bawat susunod na kilometro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?