40

By

Angkas boss ideklarang ‘persona non grata’ – Koko

Hinikayat ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang Senado na ideklara si Angkas chief executive officer Angeline Tham bilang persona non grata matapos madiskubreng siya ang nagtulak na magkaroon ng ‘indignation rally’ noong Disyembre 22 na nagresulta sa pagkaparalisa ng Metro Manila.

Sa Senate Resolution 287, pinaiimbestigahan din ni Pimentel ang ‘right-handed, arrogant and irresponsible acts” ng nasabing Angkas chief.

“Tham is merely a guest of our country, yet she is already acting like an oligarch which she seems hell-bent on becoming at our expense,” pahayag ni Pimentel sa kanyang resolusyon.

“Her acts of deriding our sovereign laws is high-handed, arrogant and irresponsible, which should not be countenanced but condemned to the fullest,” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy ni Pimentel ay ang nangyaring rally ng Angkas noong Disyembre 22 kung saan libong motorcycle driver ang nagtipon-tipon sa People Power monument para iprotesta ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan ng 10,000 driver ang Angkas, ang pinakamalaking motorcycle-hailing app sa bansa.

Binanggit pa ni Pimentel ang naging paglabag ng Angkas sa batas kabilang ang diumano’y 40-percent foreign ownership cap na itinatadhana ng Saligang Batas.

“Tham, a Singaporean, owns P9.8 million in subscribed shares or 99.996 percent of the company,” ayon kay Pimentel.

Nauna nang sinabi ni Angkas chief transport advocate George Royeca na 60 porsiyento niyang pag-aari ang kumpanya, habang ang natitirang 40 porsiyneto ay pag-aari ni Tham at apat na iba pang mga investor.

Sa dokumentong inihain ng Angkas sa Securities and Exchange Commission, sinabi ni Pimentel na nakasaad doon na mag-o-operate sila hindi bilang public utility.

“It claims to have built up a motorcycle rider base totaling to 27,000 yet can only show that 2,204 of them are properly registered under the pilot testing program of the DOTr (Department of Transportation),” sabi pa ng senador.

Nauna nang inendorso ni Pimentel ang isa pang motorcycle-hailing app na JoyRide sa Department of Transportation para mapigilan ang monopoly ng motorcycle taxi sa bansa.

Ayon pa kay Pimentel, dapat pakinggan ng Senado ang kanyang panawagan laban kay Tham para mapigilan ang ganoong uri ng pambu-bully at panloloko sa gobyerno.

“All the foregoing blatant transgressions of our laws, misleading and bullying behavior targeting Philippine government officials could only have been done with the explicit complicity of Angeline Xiwen Tham, the company’s president,” sabi ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?