95

Dec 18, 2017 @ 16:20
By

Anggun ‘natomboy’ kay Pia Wurtzbach

Hindi napigilan ng international singer mula sa Indonesia na si Anggun ang sobrang paghanga niya kay Sarah Geronimo at Miss U 2015 Pia Wurtzbach. Na-meet niya ang dalawang Pinoy pride sa kanyang guesting sa ASAP nitong Linggo para sa promotion ng kanyang album na ‘8’.

Sa kanyang Twitter post, “Met the very talented and kind Sarah Geronimo.”

At kay Pia naman, ang sabi niya ay, “The most gorgeous woman in the universe is from the Philippines.”

Naku, mukhang naging tongril pa nga ito dahil ang isa sa hashtags niya tungkol kay Pia ay #GirlCrush, huh!

Anyway, impressed talaga si Anggun sa Pinoy talents dahil bilang judge ng Asia’s Got Talent, talaga nga raw ang daming ipinakita ng ating mga kababayan showcasing ‘yung iba’t ibang talents ng mga ito. Kaya, excited siya kapag may Pinoy na nasa stage para i-impress sila. (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?