14

By

Angelu tuwang-tuwa na kinamumuhian siya

Sharing is caring!

Napanood namin ang two days episode ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na The Stepdaughters at kahit aminado ang cast tulad ni Katrina Halili nang makausap namin after the exclusive screening na may pressure silang nararamdaman dahil ang papalitan nila ay ang Impostora na napakataas ng naging rating, base sa napanood namin sa pilot, ang laki ng chance na ang The Stepdaughters ang bagong kababaliwan ng mga manonood sa hapon.

Yes, as in kababaliwan tulad sa Ika-6 Na Utos at Impostora dahil sa kuwento nito at sa mga batuhan ng linya, not to mention the ‘catfight’ na tila hinahanap na sa mga panghapong teleserye.

Sa pilot week, sure kami na ang magsa-shine at mapapansin nang husto ay si Angelu de Leon. Napa-text pa kami kay Angelu habang nanonood at hiniritan namin na ‘napakasama mooo’! Tuwang-tuwa naman ito at na-miss daw niyang talaga ang mag-kontrabida.

Ang husay ni Angelu at dapat itong abangan ng mga manonood simula sa Lunes, February 12. Nakakaaliw ang mga hirit niya sa asawa na si Gary Estrada at kay Glydel Mercado. Kahit sina Mikael Daez, Katrina, Sef Cadayona at Megan Young, kitang-kita namin na naa-amuse kapag humihirit na si Angelu at nang tanungin nga ang mga ito, lahat sila, all-praises dito at sobra raw silang natawa na kahit ang sama-sama, matatawa ka kung paano ito maglitanya.

Mahusay rin ang dalawang batang gumanap bilang young Megan (Mayumi) at young Isabel (Katrina). Kaya sabi ni Katrina, challenge rin daw sa kanila kapag ang papalitan nila paglaki ng mga bata ay napakagagaling na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?