29

Oct 7, 2021 @ 16:00
By

Angelu de Leon kumasang konsi ng Pasig, isang ‘TGIS’

Hanggang ngayon ay bitbit ni Angelu De Leon ang pagiging TGIS niya.

“Tapat. Gawa. Ina. at Serbisyo.”

Ito kasi ang campaign ad niya sa pagtakbo niya bilang konsehal sa Pasig City.

Nito lamang Miyerkoles nang maghain na ng kanyang kandidatura ang aktres.

Ayon sa ulat, target maging konsi ni Angelu sa 2nd district ng nasabing lungsod.

Ani Angelu, na-inspire kasi siya sa pamamahala ni Pasig City Mayor Vico Sotto at sa mga pagbabagong naidulot nio sa kanilang lungsod.

“I was inspired by the good governance of Mayor Vico. Bukod siya, pati iyong buong government niya. Nakita naman natin iyong pagbabago at makabagong panunungkulan niya,” wika niya.

Tatakbo si Angelu sa ilalim ng slate ng alkalde.

“I was the one who approached him… I wanted to have his blessing. And I wanted to really be part of his team. Pero I also did part of my job to show him na, sabihin na natin, worthy to be part [of his team].”

Una nang sinabi ni Angelu sa hiwalay na pahayag na magiging pukos ng plataporma niya ang kapakanan kababaihan, kabataan at mga senior citizen. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?