68

Angelo Kouame ‘di napigil, Ateneo dinurog ang FEU

Dinomina ng Ateneo Blue Eagles ang FEU Tamaraws, 82-62, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum, Sabado, Oktubre 20.

Kahit na wala sina Thirdy Ravena (one-game suspension) at ang magkapatid na Matt at Mike Nieto (dengue), sinigurado ng Blue Eagles na hindi makakapalag ang FEU matapos silang matalo sa unang round.

Simula nang mainjured si Prince Orizu sa first period ay wala na silang nagawa sa pagbulusok ni Angelo Kouame sa ilalim ng paint.

“We’re very happy with the win and also we’re very happy with Ange’s performance. We just had to read the situation and take advantage of the opportunities,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Maituturing na monster game ang inilaro ni Kouame dahil sa kanyang 33 points at 27 rebounds. Nagpakita rin si Anton Asistio para sa Ateneo mula sa kanyang 15 points.

Umangat din ang Ateneo sa standings mula sa 7-2 na baraha kung saan magkasalo ang Adamson mula sa top spot.

Dahil sa back-to-back loss ng FEU, bumaba sila sa 5-4 na kartada.

13 points at 12 rebounds ang inilista ni Richard Escoto habang si Hubert Cani naman ay nagdagdag din ng 13 markers. (Cyreel Gian Zarate)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?