386

Aug 10, 2018 @ 10:18
By

Angellie Nicholle, happy sa pelikulang ‘Ang Babaeng Allergic sa WiFi’

Isa si Angellie Nicholle Sanoy sa casts ng pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

Ang naturang pelikula na tinatampukan nina Sue Ramirez, Jameson Blake at Markus Paterson ay nakakuha ng Graded-A sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Ayon kay Angellie ay sobra siyang nag-enjoy sa paggawa ng pelikulang ito, lalo’t ang nauna niyang pelikulang Bomba starring Allen Dizon ay sobrang bigat ng tema, pati na ng kanyang role.

“Sobra po akong nag-enjoy sa pelikulang ito, kasi ibang-iba po talaga roon sa mga ginagawa ko before. First time ko pong gumawa ng Rom-Com and hindi ko po akalain na kaya ko palang mag-comedy, na hindi yung puro iyak lang yung kaya kong gawin.

“So, natutuwa ako kasi nagustuhan yun ng mga nakapanood na and iba pala talaga yung impact ni Macha (character niya sa pelikula) sa kanila. So, ang sarap sa feeling na nagustuhan nila.”

Dagdag pa ni Angellie, “Iyong sa Bomba po kasi, sobrang bigat po ng papel ko roon, ibang-iba talaga. Kaya hindi ko talaga alam na magiging okay naman pala ako sa comedy, na hindi lang ako pang-iyakan, pang-comedy rin pala.”

So, gusto mong gumawa ulit ng comedy?

“Opo! Na-enjoy ko na yung sa comedy, para hindi naman puro mabigat… na may magaan naman ako na mood, ganoon, po,” nakangiting saad pa niya.

Nabanggit pa ni Angellie na okay lang na mapagalitan o mapagsabihan siya ng kanilang direktor. “Opo, okay lang kasi kapag pinagalitan ka, mas masasabi mo talaga na, ‘Ay, artista na ako, kasi pinagalitan na ako, eh.’”

Pero, pinagalitan ka ba ni direk Jun at natakot ka sa kanya?

“Opo, natakot ako. Pero inisip ko na kailangan kong gawin yung trabaho ko, parang inisip ko na, ‘Ay siguro sinusubukan lang ako ni direk.’ So kahit na ganoon, itutuloy ko pa rin yung trabaho.

“So after n’on, okay na, wala nang problema. Kasi po mas nakatulong nang pinagsabihan po ako, parang mas lalo ko pa pong pinagbuti yung trabaho ko.”

Ang pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi ay hatid ng Cignal Entertainment, Octobertrain Films, at The IdeaFirst Company at mula sa pamamahala ni Direk Jun Robles Lana. Tampok din sa pelikula sina Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, Adrianna So, at iba pa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?