50

Oct 13, 2021 @ 13:57
By

Angeline Quinto umaming may jowa

Ginulat ni Angeline Quinto ang mga dumalo sa kanyang virtual media conference kamakailan nang ibunyag niya na isang taon na siyang in a relationship.

Ang media conference ay para sa darating niyang 10-part concert series.

Bago pa man ang conference ay sinabi ni Angeline na may ibubunyag siya sa media, at ‘di naman niya binigo ang mga reporter nang sabihin na may dyowa na siya.

“Matagal na ba kayo?” tanong ng media sa singer.

“Sa ngayon (nag-isip) halos isang taon mahigit po,” tugon ni Angeline.

Kaya naman, doon din napag-alaman na inabutan pa ng boyfriend ni Angeline ang yumao niyang adoptive mom na si Mama Bob.

Ibinida rin ni Angeline na boto ang kanyang ina sa lalaki.

“Opo, kinikilig nga siya, eh, parang siya ang dyowa,” aniya.

Ang ’10Q’ na 10-part concert ni Angeline ay gaganapin sa Oktubre 29 hanggang Pebrero 19, 2022. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?