219

Dec 27, 2017 @ 14:24
By

Angeline Quinto pinasaya ang mga Pinoy sa airport sa Vancouver

No wonder kung bakit walang anumang sitsit ng pagsusuplada sa mga fans partikular na sa kahit saang airport o sa abroad si Angeline Quinto.

Walang nababalitang nagtaray o nag-make face si Angeline sa mga nagnanais ng photo opt sa kanya o batiin siya sa anumang lugar.

Kahit siguro yung tumanggi si Angeline maliban na marahil sa naghahabol ito ng oras, walang balitang nasulat na ‘masama ang ugali’ nang actress-singer.

Isa si Angeline sa iilang mga showbiz personalities-singers na walang ka-ere-ere sa katawan o sinasabing star complex.

Kahit sino ay kakausapin nito o babatiin nito anumang oras at lugar.

Nakaposte sa Instagram wall ni Angeline ang isang short video airport ng Canada habang naghihintay siya ng flight pabalik ng Maynila.

@loveangelinequinto, “delayed po ang flight namin pauwi ng Manila. Nasa Vancouver napo kami, ang dami kong nakilalang ga Pinoy dito sa airport. Kamustahan lag po kami ng mga kanya-kanyang trabaho namin, Maligayang Pasko mahal kong kababayan”.

Mapapanood sa video na pinupuri si Angeline ng mga kapwa niya pinoy sa airport dahil sa paga-accommodate nya sa mga ito. Matanda man, dalaga o lalake, tsinitsika ng Kapamilya star.

Sabi nang unang babae sa video “ang bait-bait ni Angeline. Pinapanood ko siya. She’s beautiful inside and out, very humble, I like her.”

Pinabati pa ni Angeline sa video ang mga kausap nya sa airport at maririnig na nagbibiro ito sa isang matanda na sinabing ‘artista raw ito’.

Kahit noon lang nakilala ni Angeline ang mga kapwa Pinoy, sinabi nan yang kaibigan nya ang mga ito.

Mga ‘kababayan’ rin ang tawag nang manga-awit sa mga kasamahan nya ng mga sandaling yun.

Kahit paano napasaya ni Angeline ang ibang mga Pinoy sa airport na naghihintay ng kanilang flight at sabik nang bumalik sa kani-kanilang mga pamilya sa araw ng Pasko.

Siguradong ibinibida na ito ng mga napakitaan ng kabutihan ni Angeline na kapwa Pinoy, sa kani-kanilang mga kaanak at pamilya sa Pinas, at naiposte na sa social media ang photo opt ng mga ito sa kanya.

Nakatulong ang paglaki ni Angeline sa isang hindi naman mayaman na pamilya sa may Singalong at pagdanas nya nang ilang kabiguan na manalo ng contest para mapanatiling nakatapak pa rin ang kanyang mga talampakan sa lupa.

Kung iba ay mas mataas pa sa kalabaw kung umasta sa estado nila ngayon, mga maldita sa mga fans na tumatangkilik sa kanila at halos ayaw bumati sa mga kapwa Pinoy, kabaliktaran lahat ito nang pagiging ‘friendly’ at ‘mabuting tao’ nang singer-actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?