angeline-quinto-2

Angeline Quinto, nagpa-blotter sa Camp Crame

Sharing is caring!

Dumulog si Angeline Quinto sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame sa Quezon City para mag-file ng police report.

Ayon sa ulat, ginawa ni Quinto ang hakbang matapos umanong makatanggap ang una ng mga pagbabanta sa social media.

Kaugnay ito ng akusasyon hinggil sa pagtawa umano ni Quinto sa “emote” ni Sarah sa Las Vegas concert nito na ikinagalit ng ilang tagasuporta ng Pop Princess.

Sinama ni Quinto sa report ang usernames ng online bashers na nagbabanta umano sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?