61

Jul 4, 2021 @ 15:56
By

Angeline Quinto, ‘di madamot sa naging dyowa

Tila masayang buhay ang naghihintay sa susunod na magiging dyowa ng singer at aktres na si Angeline Quinto.

Ito ay matapos niyang ibunyag sa kanyang vlog nitong Biyernes na mapagbigay siya sa naging kasintahan noon.

“Nakasanayan nila (deretsong kumuha sa wallet ko) kasi alam niyo naman ako ‘di ba? Mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong. Siyempre jowa ko pa, siyempre ‘pag jowa niyo, mahal ninyo,” pahayag ni Angeline.

“Hindi na siya nagpapaalam minsan. Kuha lang siya nang kuha pero hinahayaan ko eh. Binigyan ko pa nga ng motor… nakapagbigay ako ng motor, sasakyan,” dagdag pa ng singer.

Biro pa ng aktres, baka sa susunod na magkaroon siya ng nobyo ay bahay na ang ibigay niya. (MJD)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?