1,827

Dec 7, 2021 @ 20:38
By

Angeline Quinto binuntis ng kababata – Cristy

Buntis si Angeline Quinto, ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa episode ng kanyang “Take It Per Minute”, tatlo o apat na buwan na raw nagdadalantao ang singer.

Nagtatrabaho aniya sa casino ang ama ng ipinagbubuntis nito.

“Ako ang alam ko nagdadalantao talaga siya, three to four months,” ani Cristy.

“Ang kuwento ng aking source, na hindi nanununog at nangunguryente. Isang balasador ng baraha, sa isang casino. Dealer,” patuloy niya.

“Kababata pala niya ito sa Sampaloc,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?