32

Feb 22, 2021 @ 15:29

Angeline Quinto, 10 taon na sa showbiz!

Ipinagdiwang ni Star Power champion Angeline Quinto ang kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz nito lamang Sabado, Pebrero 20.


Pinasalamatan naman ni Quinto ang kanyang mga fan sa “Magandang Buhay.”


“Simula po noong nag-umpisa ako talagang nandiyan kayo, maraming-maraming salamat. Katulad ng lagi kong sinasabi sa inyo hindi matatapos ang pasasalamat ko sa inyong lahat dahil kayo ang dahilan kung bakit nandito po ako ngayon,” sambit ni Quinto.

Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang pamilya sa “ASAP” dahil sa mainit na pagtanggap nito sa kanya.

“Napakalaking bagay po sa akin ‘yung maging regular po ako sa ‘ASAP.’ Every Sunday ang laking kasiyahan na nakikita ko kay Mama Bob. Una pa siyang magising sa akin kapag Linggo. After niyang manood ng misa, ‘ASAP.’ So ‘yun ang talagang naging routine ng mama ko simula noong naging regular ako,” wika ni Quinto.

Magugunitang nito lamang Nobyembre ng nakaraang taon nang pumanaw ang nag-ampon sa singer na si ‘Mama Bob.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?