18

Jun 24, 2022 @ 16:09
By

Angeline nakatanggap ‘Outstanding Manilan Award for Entertainment’

Pinangaralan si Angeline Quinto para sa pagkilala sa kanyang kontribusyon sa local entertainment industry bilang residente ng Maynila.

Nakatanggap kasi ang mang-aawit ng “Outstanding Manilan Award for Entertainment.”

Sa Instagram, pinasalamatan ni Angge ang award giving body na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno at incoming mayor Honey Lacuna.

“Nais ko pong pasalamatan ang Pamahalaan ng Lungsod ng Maynila sa pamununo ng ating pinakamamahal na alkalde…Mayor Isko Moreno at bise alkalde and soon to be Manila Mayor, Honey Lacuna. Malaking karangalan po ang award na ito ‘Outstanding Manilan in the field of Entertainment’ sa tulad kong patuloy na nagpupursigi at nangangarap.

“Maraming pong Salamat sa pagkilala sa aking talento at sa naging kontribusyon ko po sa Larangan ng Philippine Entertainment,” caption ni Angge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?