92

By

Angelina mana sa kaseksihan ni Sunshine

Sharing is caring!

Patola talaga si Sunshine Cruz sa isang netizen na nam-bash sa kanyang anak na si Angelina Cruz dahil sa attire nito sa debut party ng kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.

17 years old na si Angelina na nakasuot ng isang backless sparkling silver gown na siyang naging sentro ng pamba-bash ng isang feeling Santa na netizen at talagang sinita pa nito ang inang si Sunshine, huh!

Sabi nga nito, “Ke bata bata pa, pinagsusuot mo na ng ganyang damit. Hays.”

Habang ang lahat ay pumupuri kay Angelina na mukhang namana nito ang kaseksihan ng kanyang ina ay ito lamang ang nagpaka-nega.

Dito nga lumabas ang pagiging nanay ni Shine lalo na’t siya ang binabatikos na may kinalaman sa kanyang pagiging ina.

Depensa at papanita nga ng dating sexy actress, “17 years old. Attending a Hollywood-themed party. Ano ang problema sa suot niya if may ask?”

Well, si Angelina naman ay deadma as long as nag-enjoy siya sa party, nakatsikahan niya ang maraming celebs na halos mga kaibigan na rin niya ang iba.

Sa totoo lang, halos lahat ay nagsasabi na mukhang nagmana si Angelina sa kaseksihan ng kanyang ina na hanggang ngayon ay balingkinitan pa rin at flawless ang skin.

Kung naging eye-catching man ang suot nito, e, ganun talaga dahil kahit sino namang lalaki ay magkakaroon ng second look sa ganda ng anak nina Shine at Cesar Montano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?